Posts

STEM Promotional Video

Image
Ikaw ba ay isang estudyante na naguguluhan sa pagpili kung ano ang strand na kukunin mo? Halina sa STEM o Science Technology Engineering and Mathematics. Marami ang nagsasabi na mahirap ang strand na ito, kadalasan ito ay dahil sa math, ngunit tinitiyak ko na pagpinili mo ang strand na ito magbabago ang isip mo.

Recommendation

 Kapag ikaw ay gumagawa ng reseach tungkol sa halaman, isa sa mga problema na kadalasang nararanasan ay ang pagkamatay ng halaman. Maraming bagay ang maaring makapagdulot ng pagkamatay ng halaman, isa na rito ang pabago bagong panahon. Isa sa mga pangunahing bagay na kailangan ng halaman upang lumaki ay ang araw. Hindi mo dapat ibinibilad ang halaman sa direktang araw ng mashadong mahabang oras, lalo na kung sobrang init ng panahon. Limitahan ang pagbilad ng halaman sa araw ng anim hanggang walong oras kada araw. Isa rin sa mga pangunahing bagay na kailangan ng halaman upang lumaki ay tubig. Limitahan ang pagdilig ng halaman, diligan lang ito kung ang lupa ay matuyo tuyo na.Kung alam mo ng uulan huwag ng diligan ang halaman. At kung malakas naman ang ulan, isilong agad ang halaman lalo na kung may kasama itong malakas na hangin upang hindi masira ang halaman. 

Manure Fertilizer Videography

Image
  Sumali muna ako sa grupo nila tejada dahil hindi pa naidedefend ng aking kagrupo ang aming research. Sa grupo nila ako sumali dahil magkalapit lang ang aming research. Dito sa video makikita ang paggamit ng tatlong manure bilang pataba sa bell pepper. Ang tatlong manure na ito ay ang cow manure, goat manure, at rabbit manure. Matapos kolekltahin ang tatlong manure, pinatuyo muna ito upang madali itong durugin. Pagkatapos durugin ay inilagay na ito sa lupa kung saan nakatanim ang bell pepper plant. Makikita naman sa video na naging epektibo naman ang mga manure sa pagpapalaki sa bell pepper, makikita rin dito na namunga na ang halaman.

Efficacy of Rabbit Manure as Fertilizer on Chili

Image
     Ang siling-pula, kampana o lara na mas kilalang bell pepper sa ingles ay isang grupong kultibar ng espesyeng Capsicum annuum. Tatlo sa mga pangunahing sustansiya na kinakailangan nito upang lumaki ay nitrogen, phosporus at potassium.  Ang nitrogen ay ang pinakamahalagang elemento dahil sinusuportahan nito ang regulasyon ng photosynthesis, na naghihikayat sa paggawa ng mga dahon at paglaki ng dahon. Ang phosphorus ay tumututlong sa halaman sa pagkonsumo ng solar energy. Ang potassium naman ay tumutulong sa paggalaw ng tubig at sustansya na nakatutulong sa photosynthesis.      Ang pataba ay ginagamit para sa mga halaman.  Ito   ay mahalaga para sa mga tao lalo na sa mga magsasaka at sa mga mahilig magtanim,   upang  ang kanilang halaman ay lumago at lumaki ng malusog . Ang mga pataba ay nagmumula sa maraming mapagkukunan, parehong natural at gawa.     Ang tae ng kuneho ay maaring ipunin at gawing...