Recommendation
Kapag ikaw ay gumagawa ng reseach tungkol sa halaman, isa sa mga problema na kadalasang nararanasan ay ang pagkamatay ng halaman. Maraming bagay ang maaring makapagdulot ng pagkamatay ng halaman, isa na rito ang pabago bagong panahon. Isa sa mga pangunahing bagay na kailangan ng halaman upang lumaki ay ang araw. Hindi mo dapat ibinibilad ang halaman sa direktang araw ng mashadong mahabang oras, lalo na kung sobrang init ng panahon. Limitahan ang pagbilad ng halaman sa araw ng anim hanggang walong oras kada araw. Isa rin sa mga pangunahing bagay na kailangan ng halaman upang lumaki ay tubig. Limitahan ang pagdilig ng halaman, diligan lang ito kung ang lupa ay matuyo tuyo na.Kung alam mo ng uulan huwag ng diligan ang halaman. At kung malakas naman ang ulan, isilong agad ang halaman lalo na kung may kasama itong malakas na hangin upang hindi masira ang halaman.